Tuesday, May 11, 2010

041210

Motorist safety control points



Dumadami na ang nagaganap na aksidente ng mgaa sasakyang bumabyahe paputang South Luzon to Quezon Maharlika Road ayon kay Colonel Edwin Rey Butacan. Ang pakikipag-usap, paggamit ng cell phone at ang pagkaantok sa sobrang haba ng byahe ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng aksidente, kaya nagsagawa ang PNP ng isang panukala. Philippine National Police Director General Jesus A. Verzosa ay inutusang dagdagan ng PNP Highway Patrol Group ang kaligtasan ng mga pasaherog bumabyahe papunta sa kani-kanilang probinsya o paluwas ng Maynila. Noong Nobyembre nakaraang taon at panaho ng Undas ipinatupad ang Motor Safety Control Points. Kasama ang ilang government agencies na may kinalaman sa pagpapatupad at pananatili ng kaligtasan ng mga byahero sapagpapatupad nito katulad ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang HPG Motorist Safety Control Points ay naisapatupad nakung saan dito ay sumasakay ang isang police at isang civilian volunteer sa isang bus at doon ay ipinapaliwanag nila kung ano ang kanilang sadya hindi para inspeksyunin ang mga kagamitan ng mga pasahero. Ito din ay isang paraan upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasahero, sila din ay nag-oobserba ng mga kahinahinalang tao upang maiwasan naman ang holdapan at nakawan. Nagbibigay din sila ng ilang paalala at impormasyon sa mga pasahero patungkol sa kanilang kaligtasan.

Ang police at volunteer ay sumasama sa byahe ng bus at bababa sa susunod na control points upang mag-abang ng susunod na bus na kanilang sasakyan upang mag-obserba. Mahigit walong kilometro ang layo ng mga control points na kanilang binababaan.

Naglalagay naman sila ng choke points para sa mga pribadong sasakyan. Nililiitan nito ang daan at may maliwanag na ilaw na nakapaligid upang dahan-dahang dadaan ang mga sasakyang dadaan. Ito ay may kaibahan sa check point na kung saan ay hinaharang nila ang mga bawat sasakyang dadaan at iinspeksyunin ang buong sasakyan at ang mga kagamitan nito.



This was my first article that I made on our first day as an intern. I know it was not good because the day I wrote this article was the day that I and my OJTmates were under pressured because we were meeting on the deadline and we only have hour to wrote.

I did not imagine that we were experiencing this on our first day though it was fun because I'm with my friends, I'm not alone. =)...



(Pagpasensyahan nyo na yung grammar ko ah...hehehe)

No comments:

Post a Comment